4TH QUARTER PRACTICE EXAM

Quiz Type

Multiple Choices
Multiple Choices

Quiz Level

Basic

Multiple Choices

Republic of the Philippines Department of Education REGION VII - CENTRAL VISAYAS SCHOOLS DIVISION OF CEBU CITY TISA NATIONAL HIGH SCHOOL IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Taong Panuruan: 2025-2026 PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinaka-angkop na sagot. 1. Isang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa. A. Pang-aabusong seksuwal C. Pre-marital sex B. Pornography D. Prostitution 2. Ang panseksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa mga layuning... A. magkaroon ng anak at magkaisa. B. magkaisa at maipahayag ang pagnanasa. C. makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak. D. magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan. 3. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama? A. kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan. B. kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso. C. kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad. D. kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o kasangkapan. 4. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa mga isyung seksuwal? A. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan. B. Niyaya ni Noli si Malyn na magpakasal sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya. C. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nag bunga ang isang gabing pagkalimot. D. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang magpaguhit nang nakahubad. 5. Tukuyin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik? A. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan. B. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay. C. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang gagawa nito. D. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa. 6. Bakit napapabilang sa isyung moralidad ang RH Bill ng Pilipinas? A. Dahil may kinalaman ito sa paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kalusugan. B. Dahil tinatalakay nito ang mga usaping sekswalidad, kontrasepsyon, at pagpapahalaga sa buhay na may implikasyong moral at panrelihiyon. C. Dahil nakatuon ito sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa. D. Dahil ito ay tungkol lamang sa pagtatayo ng mga ospital at klinika. 7. Pinakamantandang propesyon na nagbibigay ng panandaliang aliw sa pakikipagtalik kapalit ng pera. A. Pang-aabusong seksuwal C. Pre-marital sex B. Pornography D. Prostitution 8. Ito ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki ng isang tao. A. Sekswalidad C. Pre-marital sex B. Pornography D. Prostitution 9. Mahahalay na paglalarawan na layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa. A. Pang-aabusong seksuwal C. Pre-marital sex B. Pornography D. Prostitution 10. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan ng Reproductive Health (RH) Bill sa Pilipinas? A. Isang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa reproduktibo tulad ng family planning at maternal care. B. Isang panukala na nagtataguyod ng responsableng pagkamagulang at kaalaman sa sekswal na kalusugan. C. Isang batas na nagbibigay ng libreng edukasyon sa lahat ng antas ng paaralan. D. Isang programa na naglalayong pababain ang maternal at infant mortality rate. I. Ang komitment at dedikasyon ay epekto ng pre-marital sex. II. Ang pagkalulong sa prostitusyon ay walang bahid na kasamaan. III. Hindi masama ang pornograpiya kung nasa tamang edad ang isang tao. IV. Ang dignidad ng tao ang nag-aangat at nagpapatunay na natatangi siyang nilalang. V. Walang kahihinatnan ang yaman kung walang paggalang sa iyong sekswalidad at sekswalidad ng iba. 11. A. Ang unang at ikalawang pangungusap ay TAMA B. Lahat ay MALI. C. Ang unang at ikalawang pangungusap ay TAMA D. Lahat ng pangungusap ay TAMA. 12. A. Ang unang pangungusap ay TAMA. C. Ang ikalawang pangungusap ay TAMA. B. Ang ikatlong pangungusap ay TAMA. D. Ang huling pangungusap ay MALI. 13. A. Ang unang at ikatlong pangungusap ay TAMA. B. Ang ikalawa at ikaapat na pangungusap ay MALI. C. Ang ikatlo at ikaapat na pangungusap ay TAMA D. Ang ikaapat at huling pangungusap ay TAMA. 14. A. Ang unang pangungusap ay MALI. C. Ang ikalawang pangungusap ay TAMA. B. Ang ikatlong pangungusap ay TAMA. D. Ang ikaapat na pangungusap ay MALI. 15. A. Ang unang pangungusap ay TAMA. C. Ang ikalawang pangungusap ay TAMA. B. Ang ikatlong pangungusap ay MALI. D. Ang ikaapat na pangungusap ay MALI. 16. Tamang paglalarawan sa pakikipagtalik bilang pangangailangang biyolohikal na may tamang panahon? A. Ang pakikipagtalik ay laro lamang ng kabataan. B. Ang pakikipagtalik ay pangangailangang biyolohikal tulad ng pagkain at hangin na may wastong panahon. C. Ang pakikipagtalik ay walang kaugnayan sa moralidad. D. Ang pakikipagtalik ay ginagawa anumang oras nang walang limitasyon. 17. Maling paglalarawan ng pornograpiya. A. Ipinapakita nito ang maruming isipan ng tao. B. Ito ay pagtatalik ng babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o hindi pa kasal. C. Ito ay may layuning pang-edukasyon lamang. D. Ito ay isang uri ng aliwan sa media. 18. Ang pahayag na nagpapakita ng tunay na kahulugan ng pagmamahal sa pagtatalik? A. Ito ay para lamang sa kasiyahan. B. Ito ay walang pananagutan. C. Ito ay bukas sa katotohanang humahantong sa pagbubuo ng pamilya. D. Ito ay ginagawa dahil sa impluwensiya ng barkada. 19. Pinakamalinaw na paglalarawan sa epekto ng pornograpiya sa moralidad at dignidad ng tao. A. Isang anyo ng sining na naglalarawan ng hubad na katawan sa konteksto ng edukasyon B. Paglalarawan ng hubad o seksuwal na kilos na layuning aliwin o pukawin ang seksuwal na pagnanasa C. Isang tradisyonal na pamamaraang pangkultura sa lipunan D. Isang programa sa telebisyon na nagtuturo ng tamang asal 20. Ang seksuwalidad ay itinuturing na kaloob ng Diyos na may dangal at layunin, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pang-aabuso rito sa konteksto ng prostitusyon? A. Pagpapahayag ng pagmamahal sa loob ng pamilya B. Pagbibigay-halaga sa sarili at kapwa C. Paggamit ng katawan bilang kalakal kapalit ng pera D. Paggalang sa sakramento ng kasal 21. Bakit maituturing na isyung moral ang pakikipagtalik bago ang kasal kaugnay ng konsepto ng prostitusyon? A. Dahil ito ay bahagi ng kultura ng kabataan B. Dahil ito ay kaugnay ng pisikal na kalusugan lamang C. Dahil maaari nitong gawing bagay o aliwan lamang ang seksuwalidad D. Dahil ito ay itinuturo sa paaralan 22. Paano nakatutulong ang pinagmulan ng salitang “pornograpiya” sa pag-unawa sa tunay nitong kahulugan? A. Ipinapakita nitong ito ay simpleng sining lamang B. Ipinahihiwatig nitong ito ay paglalarawan na nag-uugnay sa pagbebenta ng katawan C. Ipinapakita nitong ito ay bahagi ng kasaysayan D. Ipinapaliwanag nitong ito ay paraan ng komunikasyon 23. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pang-aabusong seksuwal batay sa paglabag sa dignidad ng tao? A. Pagbibigay ng payo sa kaibigan B. Paglalaro sa maseselang bahagi ng katawan at paggawa ng hindi kanais-nais na biro C. Pakikilahok sa palakasan D. Pakikipag-usap sa guro 24. Bakit pang-aabusong seksuwal ang panonood at pagtingin sa hubad na katawan o pagtatalik ng iba? A. Dahil ito ay nakaaaliw B. Dahil ito ay bahagi ng modernong teknolohiya C. Dahil maaari nitong gawing bagay ang tao at sirain ang pagtingin sa dangal ng katawan D. Dahil ito ay uso sa kabataan 25. Kung ang layunin ng batas at moralidad ay protektahan ang dignidad at karapatan ng tao, alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang malinaw na halimbawa ng pang-aabusong seksuwal? A. Pagbabahagi ng sariling larawan sa social media nang may kaalaman at pahintulot ng iba B. Pagtingin sa hubad na katawan o pagtatalik ng iba nang walang pahintulot at para sa sariling kasiyahan C. Pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa reproductive health sa paaralan D. Pakikilahok sa art exhibit na may pahintulot ng lahat ng kalahok 26. Paano mo maipapaliwanag ang konsepto ng "sexual consent" at bakit mahalaga ito sa pagpapanatili ng respeto, karapatan, at dignidad sa anumang relasyon? A. Pagsang-ayon na makilahok sa aktibidad na seksuwal nang walang pwersa o pang-aabuso B. Ang inaasahang pagsasabing "oo" sa anumang hiling na seksuwal ng parehong mga kalahok C. Legal na pahintulot sa bago makilahok sa aktibidad na seksuwal D. Ang ideyang ang pagsang-ayon ay maaaring ipahiwatig at hindi kinakailangang tuwirang ibigay 27. Ano ang tawag sa mga panlipunan at sikolohikal na aspeto ng pagiging lalaki o babae? A. Sekswal na pag-uugali (sexual behavior) C. Seksuwal na oryentasyon (sexual orientation) B. Biyolohikal na kasarian (biological sex) D. Pagkakakilanlan sa kasarian (gender identity) 28. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagkakapantay-pantay sa kasarian (gender equality)? A. Pagkakaroon ng access sa pangangalaga sa kalusugan para sa lahat ng kasarian B. Karahasan batay sa kasarian (gender-based violence) C. Pantay na sahod sa pantay na trabaho D. Pagpapromote ng pagkakaiba-iba ng kasarian sa lugar ng trabaho 29. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng pangha-harass na sekswal (sexual harassment)? A. Pagbibigay-puri sa hitsura ng isang tao B. Pagsasagawa ng hindi gustong pagkilos pagkatapos ng malinaw na pagtanggi C. Pakikisama sa pagpapatupad ng kalayaan sa pagpapahayag ng sekswal D. Pagtulong sa isang taong nangangailangan 30. Ano ang ibig sabihin ng katotohanan? A. Paglalarawan ng isang bagay na hindi totoo B. Pagtatanggol sa mga paniwala at paniniwala C. Pagiging tapat sa realidad o ang kasagutan na ayon sa katunayan D. Pagbibigay ng kahulugan batay sa emosyonal na reaksiyon 31. Ano ang kahulugan ng "ebidensya"? A. Mga katotohanang napapanood sa telebisyon C. Impormasyong sumusuporta sa isang pahayag B. Mga detalyadong opinyon ng mga tao D. Mga pagsasalaysay ng mga kuwento at alamat 32. Ano ang ibig sabihin ng "bias"? A. Ang kakayahan na mag-isip nang malalim C. Ang pagiging objektibo at walang kinikilingan B. Ang hindi patas na pananaw sa isang panig D. Ang pag-aaral ng mga kasaysayan at kultura 33. Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng impormasy...